Thursday, April 2, 2009

Ang Pangarap at Bangungot ng Isang Dalaga

Para sa isang babae, ang debut ang pinakamahalagang kaarawan sa buhay niya.

Ngunit, kadalasan, nauuwi lang sa pagkadismaya ang mga handaang ito. Ang ilan sa mga dahilan ay ang mga sumusunod:
- hindi pumunta lahat ng inimbitahan/ kaunti lang ang pumunta (tapos yung mga mahahalagang tao pa para sa dalaga ang hindi nakapunta)
- hindi naging maayos ang takbo ng pagdiriwang sa kabila ng ginawang paghahanda
- hindi nakakuha ng maraming regalo ang dalaga
- hindi masarap ang pagkain na inihanda
- nasira ang tiyan ng dalaga at kailangan niyang maglabas ng sama ng loob
- panget ang escort ng dalaga
- may bisitang higit na maganda ang damit kumpara sa dalaga

(biro lang ang huling 5,ngunit nakakainis naman rin talaga kung mangyayari ito)

Dahil ayaw ko mangyari sa akin ang mga yan, hindi ko na rin ginustong magkaroon ng handaan (as in ung naka-gown ka at nangangalay sa suot na heels). Higit na praktikal din sa tingin ko ang ginawa kong hakbang, dahil hindi ko na kailangang mataranta sa paghahandang kaakibat ng pagkakaroon nito.

Noong una, mukhang hindi ko nga matatamo ang mga nakalista sa itaas, at ako'y natuwa. Ngunit ngayon, 'tila nangyayari na ang mga iyon sa akin.

Nakalulungkot. Nakadidismaya lalo.

Ngunit wala akong magagawa, kahit umiyak pa ako (na ginawa ko na nga), hindi naman mangyayari na bigla na lang matutupad ang mga hiling ko.*

----
*marami ito, at hindi bagay na materyal =D

2 comments:

  1. awww..grace! ano ka ba?! i remember my frustrations during my party, pero, sabi nga ni fr. sakin, move on :) at least, we've learned. that's the essence of being eighteen, knowing that life isn't in our hands :)

    ReplyDelete